Tuesday, December 24, 2013

Sakit likod, mabaho, pagod sa kakalakbay kung saan saan madeliver lang ang mga lechon... Ngayon umiiyak. Bakit??? Kasi yung kinita ko ngayong araw kaya kong kitain sa pagmomodel ng 3-5hours ng walang kahirap-hirap. Naiiyak ako kasi sobrang na-appreciate ko ung kinita ko ngayon, maliit kapalit ng effort na binigay ko pero ang saya ko lang kasi alam ko "hard-earned" siya. Masasabi kong pinaghirapan ko talaga!!!

Ngayon mas lalo kong na-appreciate yung trabaho ko sa pagiging modelo. Primadonna ang trato, lahat provided: damit, pagkain ultimo minsan pati transportation pero I have taken it for granted, madalas pumepetiks ako, reklamo dito reklamo dun, demand ng demand, ang laki nung tf na halos sahod ng isang trabahador isang buwan pero feeling ko pa din "underpaid" ako. Tapos nangyari yung NGAYON. Grabeh ka lang talaga Lord! Umiiyak sa galak, nakaluhod, sobrang saya lang ng puso ko ngayon.  Alam mo ung sobrang fulfilled? Naiiyak ka na lang at thank you ka ng thank you kay Lord. Kasi pinaranas nya un sayo. Grabeh! Ang sarap sa feeling kapag genuine na pagpapasalamat ang nadarama mo. Salamat Lord for this experience!!! Waaahhh!!! Alam ko hinahanda Mo ako sa isang napakalaking bagay. Salamat Ama ngayon pa lamang.

It's really true. The harder it is, the sweeter it will be. 

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!! 

Ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagdating ng tunay na Tagapagligtas at nagiisang Hari. 

Napa-tagalog ako ng bongga, iba talaga tong revelation na to sa akin!!! Thank You Lord! Iloveyouuuuuuu!!!! #Grateful #Overwhelmed #Fulfilled


No comments:

Post a Comment