Monday, October 6, 2014

SUPERGIRL NO MORE

Kahit ilang beses ko panuorin ung Four Sisters And A Wedding lagi pa din ako naiiyak. Ang lakas kasi maka-relate.
Ako kasi si Bobbie, ung lagi daw kahit anong gawin ang galing galing, na kahit ano daw pilit nila kahit kailan hindi daw sila lumapit sa galing ko, ako daw yung matalino, ako daw yung maganda. Ako na daw lahat. Kaya inggit na inggit daw sila sa akin. Pero ang totoo ako yung inggit na inggit sa kanila kasi yung atensyon ni Mama laging nasa kanila. Kapag si Abby, okay lang! Kaya niya na yan. Pero pag sila yung may kailangan kahit sobrang simple nandun lagi si Mama.
Ako lagi ung nasasabihan ng mayabang, na masama ung ugali, na ambisyosa, na matigas, na malamig. I'm sorry kung sa tingin niyo matigas ako. Siguro nga ganun na ako, kasi pinili ko maging ganun, kinailangan ko maging ganun.
Kasi minsan ang hirap. Ang hirap kayanin magisa. Ang hirap ipaglaban na mabuo yung pamilya lalo na pag alam mo ikaw lang magisa lumalaban. Ang hirap hirap yung feeling ng magisa.
Pero lahat un tiniis ko. Nagpakatatag ako nagpakatigas ako kasi kailangan ko. Pero hindi dahil matigas ako wala na akong pakiramdam. Na hindi na ako nasasaktan. Nasasaktan din ako. - Abby' version of Bobbie

Sorry for lashing this out. Im sorry. I have been trying to be strong, trying to hold everything together while inside I'm already falling apart. Im sorry. Can I just feel vulnerable and fragile even just for awhile. Can I just be HUMAN tonight? 

I NO SUPERWOMAN.

Sometimes, it's amazing what we can do for FAMILY.